Nanguna kahapon sa pagpapasinaya ng apat na proyekto na laan para sa mga former MILF combatants sa Guindulungan, Maguindanao del Sur si Minister of Parliament Datu Tawakal Midtimbang.

Kinabibilangan ng mga ito ang tatlong Agri Fishery Trading Center sa mga bayan ng Guindulungan, Talayan at South Upi at isang multi purpose building with Solar Drier na mula sa kanyang Transitional Development Impact Fund o TDIF.

Sinabi ni MP Midtimbang na kabuuang 16 na milyong piso ang inilaang pondo sa nasabing proyekto na tatrabahuhin ng Landmark Construction sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Matatandaan na nagturnover din kamakailan ang opisyal ng mga Farm Machineries na para din sa mga dating MILF combatants na residente sa nasabing mga bayan.

Nagpasalamat din si MP Midtimbang sa mga kapwa nito lingkod bayan na sina MAFAR Minister Mohammad Yacob at Amirol Mujahideen at kay Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim para sa tiwala at suporta na ibinabahagi nito.