All systems go na ang partidong SIAP na nakabase sa lungsod ng Cotabato sa gagawin nitong filing ng COC’s ngayong araw ng Huwebes. Mahigit sa sampung libo na katao na taga suporta ng grupo ang inaasahan na magpapakita ng suporta sa mga kandidato ng partido.

Papangunahan ng mga Standard Bearers na sina Mayoralty Aspirant Vice Mayor Butch Abu at Vice Mayor Aspirant Kapitan Bimbo Pasawiran ang naturang aktibidad kasama ang buong konsehales ng partido.

Gagawin ang parada mula sa City Plaza hanggang sa Bangsamoro Government Center kung saan nandoon ang tanggapan ng City Comelec.

Ayon kay Vice Mayor Abu, nakipagugnayan sila sa pwersa ng kapulisan at Marines upang maging matiwasay ang nasabing aktibidad.