Opisyal nang nakapaghain ng kanilang kandidatura ang kampo ng partidong SIAP sa bayan ng Pahamuddin, SGA BARMM kahapon.

Pinangunahan ng standard bearer nito na si Mayoralty Aspirant Nimbo Sinarimbo at ng running mate nito na si Vice Mayoralty Aspirant Esmael Talusan at mga konsehal ang nasabing filing.

Nagpakita naman ng suporta at itinaas naman ni SIAP Party Cotabato City and SGA Chapter President Atty. Naguib Sinarimbo ang kamay ng mga ito.

Ang SIAP ay isang regional political party at kasanib sa LAKAS CMD na siyang partido national ng SIAP at ang BARMM Grand Coalition.