Napalitan ng labis na paghihinagpis at kalungkutan ng pamilya ng isang guro na namatay ilang linggo matapos umanong pagalitan ng kanilang lalaking school principal dahil sa pasaway na estudyanteng nasugatan sa ulo habang nasa loob ng silid paaralan.
Kinilala ang nasawing guro na si Marjorie Boldo y Llanto na may 30 years nang nagtatrabaho bilang guro sa elementarya sa isang bayan sa Davao De Oro.
Sa post ng pamangkin ng guro na si Hannah, inupload nito ang picture ng chat messages sa GC ng mga magulang ng kanyang estudyante. Mababasa sa mga messages ang pagpapaliwanag nito kung bakit at paano nasugatan ang estudyante.
Aniya, may pinapasagutan itong aktibidad sa Math, nagcheck at nang makatapos ay biglang may narinig na itong umiiyak, nakahiga at aksidente na nabangga ang ulo sa upuan at dumugo.
Nagsumbong di umano diretso sa principal ang nanay ng estudyante kung kaya’t pinagalitan ang pobreng guro.
Minaliit hanggang sa kinwestiyon na diumano ng lalaking principal ang kanyang pagiging guro at labis itong dinibdib ng guro.
Dahil dito, posibleng stress at trauma sa nangyari ang ikinamatay ni Boldo.
Sa ngayon, pinagbuburulan na ngayon ang labi ni Boldo at nawa’y wag na itong maulit pa sa mga guro sa hinaharap.