Patay ang isang habal driver matapos itong pagbabarilin sa bahagi ng Kilometer 12, sakop ng Barangay Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kahapon, Linggo.

Sa ulat ng mga rumespondeng otoridad, kinilala ang biktima na si Wareen Rahaman y Datuwata, nasa wastong gulang at residente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat na bumabaybay lamang sa lugar ang biktima ng paulanan na lamang ito ng bala. Dead on arrival na ito ng isugod ng mga nakakita sa insidente sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa ngayon, patuloy sa pagiimbestiga ang PNP sa insidente at upang matukoy na rin ang responsable at motibo sa naturang krimen.