Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang tinaguriang Hajj Privatization Bill o ang House Bill 10867 na ipinanukala sa malapad na kapulungan ng kongreso ni Maguindanao Del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Ang layunin ng panukala ay magkaroon ng kalayaan sa pagpapasya ang mga magsasagawa ng taunang Hajj o mga pilgrimado na pumili ng pribadong Agency na magaasikaso ng kanilang mga plane tickets, tutuluyan at iba pang may kinalaman sa Hajj.
Kung maalala, nagkaroon ng matinding kontrobersiya ang NCMF o National Commission on Muslim Filipinos at inulan ito ng samut saring reklamo at batikos dahil sa incompetensiya nito noong 2023 Hajj Pilgrimage.
Dahil sa mga reklamo, naghain agad ang kongresista ng resolusyon upang maimbestigahan ang pangyayari at upang maisapribado na ang pagsasagawa ng naturang pilgrimage.
Samakatuwid, layon lamang ng naturang panukala na amyendahan ang mandato ng NCMF mula sa administrative functions nito kaugnay ng Hajj ay magsisilbi na lamang itong kinatawan ng mga Muslim Filipino Pilgrims sa bansang Saudi Arabia.
Sa nasabing panukala, hindi na aniya pahihintulutan ang ahensya na makialam sa pagbili ng mga tiket, makialanm sa tutuluyan maging sa mga pangangailangan ng mga pilgrims kundi magkakaroon na bg kalayaan at pagpapasya ang mga ito sa paggawa ng kanilang Hajj Pilgrimage.