Nasabat ng mga pulis ang tinatayang ₱1.9 milyong halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa ikinasang anti-criminality checkpoint sa Barangay Tual, Picong, Lanao del Sur, madaling araw ngayong Oktubre 23, 2025.
Ayon sa ulat ng PRO BAR, bandang 3:30 ng umaga, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Picong MPS, 2nd PMFC LDS PPO, at RMFB 1402nd RMFC 3rd MP nang mapatigil ang isang itim at pulang KIA Elf truck (Bonggo) na may plakang JAD 8660.
Agad namang tumakas ang dalawang lalaking sakay ng naturang truck at nagtungo sa kabundukan ng Barangay Maladeg. Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang 96 kahon ng iba’t ibang brand ng sigarilyo tulad ng ASTRO, CASPRO, JHAZZ, BRAVE, JOHN HILL, at JOURNEY.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo at ang sasakyan ay nasa kustodiya ngayon ng Picong Municipal Police Station at nakatakdang ipasa sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.