Nasamsam ng mga operatiba ng PDEA Sulu ang shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000 at naaresto ang isang high-value target sa isinagawang drug buy bust sa NT Gasoline Station, Barangay Bilaan, Talipao, Sulu kahapon Pebrero 10, 2025.
“Rescuing a minor during a drug operation highlights the ongoing importance of our vigilance and commitment to protecting children and minors from falling victim to illegal drug-related activities.” Ayon kay Director Castro.
Narekober sa operasyon ang isang sachet ng shabu na may timbang na 50 gramo, buy-bust money, isang cellphone, isang yellow-black backpack, at isang orange Yamaha Mio motorcycle.
Kinilala ang nahuling suspek bilang si Alyas Pans, 24 taong gulang, residente ng Barangay Asturias, Jolo, Sulu. Sasampahan siya ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, ang nasagip na menor de edad ay itinurn-over sa MSWD para sa tamang pangangalaga at rehabilitasyon.
Ang matagumpay na operasyon ay naisagawa sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pulisya at intelihensya, kabilang ang Sulu Police Provincial Office, National Intelligence Coordinating Agency, Talipao at Patikul Municipal Police Stations, at Philippine National Police Special Action Force.