Isinuko ng mga residente sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang 16 na baril sa mga sundalo kahapon Pebrero 10, 2025.

Ayon kay Lt. Col. Christian V. Cabading ng 92nd Infantry Battalion, bahagi ito ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program, na naglalayong bawasan ang mga baril na walang lisensya at maiwasan ang karahasan sa lugar.

Iba’t ibang klase ng baril ang ibinigay, tulad ng sniper rifle, shotgun, grenade launcher, at sub-machine gun.

Nanawagan si Brigadier General Jose Vladimir R. Cagara sa iba pang lugar na gayahin ang ginawa ng mga residente upang mapanatili ang kapayapaan.

Sinabi rin ni Brigadier General Donald M. Gumiran na ang programang ito ay makakatulong sa pagpapanatili ng ligtas at tahimik na pamayanan, lalo na ngayong panahon ng kampanya para sa halalan.