Nakapagtala ang Cotabato City ng 17 pagyanig na may lakas na mula magnitude 4.2 hanggang 5.9 mula alas-1:41 ng madaling-araw hanggang alas-4:38 ng hapon ngayong araw ng Miyerkules, January 28, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lungsod.

Agad namang nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ang CDRRMO sa mga kritikal na pasilidad gaya ng City Hall, mga ospital at mga paaralan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko ang nasabing ahensya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang monitoring ng sitwasyon ng CDRRMO at pinapayuhan ang lahat ng barangay na manatiling kalmado at agad i-report ang anumang pinsala o insidenteng may kaugnayan sa lindol.

Samantala, sinasagawa ang assessment at monitoring operations sa koordinasyon ng Bureau of Fire Protection at Office of the City Engineering bilang bahagi ng disaster response ng lungsod.