Aabot na sa 166,608 na mga pamilya ang apektado ng naging pagbaha sa Bangsamoro Region. Apektado ang apat na probinsya kabilang na ang Maguindanao Norte, Maguindanao Sur, Lanao Sur at Basilan maging ang SGA-BARMM.

Dalawang siyudad at apatnaput pito naman na munisipalidad at 466 na mga barangay ang naitala na apektado sa nasabing pagbaha.

Sa bilang ng mga casualties, walo ang patay at ito ay sa Matanog na may anim, isa sa Pagalungan at dalawa naman sa Kapatagan samantalang 2 naman ang nawawala sa Balabagan at 21 barangay naman ang lubhang apektado sa mga bayan ng Matanog Maguindanao Norte at Balabagan sa Lanao Sur.