Naharang sa checkpoint kapulisan ang isang truck na may kargang 350 kahon ng imported smuggled cigarettes na gawa sa Indonesia sa mas pinaigting na anti-smuggling operation sa bayan ng Tigbao sa Zamboanga del Sur nitong Sabado.
Sa ulat ng Tigbao Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, tinatayang hindi bababa sa P20 million ang halaga ng mga smuggled na sigarilyong nasamsam.
Nakatakdang i-turnover sa Bureau of Customs (BOC) ang mga kumpsiakdong imported smuggled cigarettes para sa tamang disposisyon nito.