Umabot na sa halos 5,000 sako ng bigas ang naipamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao sa pangunguna ni Bangsamoro Member of Parliament Atty. Kitem “Kits” D. Kadatuan, Jr., ayon sa pinakahuling tala ng kanyang tanggapan.‎‎

Batay sa datos, 1,000 sako ang ibinigay sa Municipality of Datu Saudi at 1,000 sako rin ng tig-10 kilo sa Municipality of Datu Piang.

‎‎Naglaan din ng 1,000 sako (10 kilo bawat isa) para sa Provincial Government of Maguindanao del Sur, habang 400 sako ang iniabot sa Eastern Mindanao Front.‎‎

Sa antas ng barangay, tumanggap ang mga barangay ng Elian, Gawang, Dapiawan, Madia, Salbu, Kabengi at Kitapok ng tig-200 sako ng 25 kilo bawat isa, kasama ang tig-200 hygiene kits kada barangay. Samantala, 600 sako ng 25 kilo at 200 hygiene kits naman ang ipinamahagi sa Barangay Kitango.

‎‎Mayroon ding turnover ng 200 sako sa Poblacion 1 sa Cotabato City.‎‎

Ayon sa opisina ng mambabatas, bahagi ang pamamahaging ito ng kanilang patuloy na assistance efforts sa rehiyon, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan ng suporta lalong-lalo na ngayong panahon ng Ramadan.