‎Ipinakita sa ulat ng EDCOM 2 na nananatiling mababa ang functional literacy rate sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

‎Batay sa datos, tanging Maguindanao del Norte, Sulu, at Maguindanao del Sur ang nakapagtala ng mas mataas sa pambansang average na 69.4%.

‎Samantala, ang Tawi-Tawi, Basilan, at Lanao del Sur ang pinakamababa, kung saan maraming mamamayan pa ang hirap sa pagbasa, pagsusulat, at paggamit ng natutunang kaalaman sa araw-araw na buhay.

‎Ayon sa DepEd, kabilang sa mga tinatawag na Low Emerging Readers o RED Category ang mga batang hirap sa pagbasa ng letra, tunog, at simpleng salita, indikasyon ng pangangailangan sa agarang remedial support at mas tutok na interbensyon sa edukasyon.

‎Nanawagan ang EDCOM 2 sa mas pinatibay na mga programa upang maitaas ang antas ng functional literacy sa buong BARMM.