AABOT sa halos apat na raang milyong piso ang halaga ng danyos ang idinulot ng malawakang pagbaha sa Bangsamoro Region ang inilabas na datos ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence.

Sa naitalang halaga, isandaan animnaput anim na libo ang apektadong pamilya sa buong rehiyon, 253 na mga kabahayan ang partially damaged at 365 naman ang totally damaged.

Apat na probinsya sa rehiyon kabilang na ang Special Geographic Area, LIMAMPUNG mga siyudad at munisipalidad at 465 na mga barangay ang naging apektado.

Sa sektor ng agrikultura, 10,952 ang apektado, 8,387.54 na mga pananim ang tuluyang nasira habang aabot sa 323,425, 768.15 ang halaga ng mga nasira sa kabuuan.

Samantala, walo ang naitalang nasawi, 22 ang nasaktan at 2 ang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng naturang pagbaha sa tala na nakuha ng Bangsamoro READi.

Ayon kay BARMM Cabsec and Spokesperso. Mohd Asnin Pendatun, sakali mang maganap ulit ang mga ganitong uri ng kalamidad, patuloy pa rin na magbibigay ayuda ang Pamahalaang Bangsamoro sa mga kumunidad na nasalanta nito alinsunod sa direktiba ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.