Aprubado na ng parliamento ang 94.42 na bilyong pisong pondo para sa 2025 Bangsamoro Expenditure Program sa katatapos na ispesyal na pagdinig kagabi.
Nakatuon ang bilyong pondo sa pagpapayabong ng mga serbisyo gaya ng edukasyon, imprastraktura, kalusugan at kagalingang pang sociedad upang mapagbuti ang kalagayan ng mga mamamayan sa rehiyon.
Tumanggap ang MBHTE ng pinakamalaking pondo na may P32.14 bilyon na gagamitin upang mapalakas ang sistema ng edukasyon at mga institusyong nakapaloob sa ahensya.
Samantala, ito ang mga ahensya na may alokasyon ng pondo sa susunod na taon.
MPW- 11.43 bilyong piso
MOH- 7.43 bilyong piso
MSSD- 3.84 bilyong piso
MAFAR- 2 bilyong piso
MILG- 1.92 bilyong piso
MENRE-877 milyong piso
MOTC- 801 milyong piso
MHSD- 624 milyong piso
MTIT- 576 milyong piso
MOLE- 373 milyong piso
MFBM- 451 milyong piso
Samantala nakatanggap naman ang opisina ng Chief Minister ng P3.88 bilyong alokasyon upang ipangtustos sa mga programa ng tanggapan at operasyon nito.