Kulong ang isang trabahante ng fishport sa isang anti illegal drug operations ng PNP sa lungsod ng General Santos. Kinilala ng GenSan PNP Station 1 ang suspek na si “Toking”, 29 anyos at residente sa barangay West.

Hinuli si Toking mismo sa lugar nito matapos itong magbenta ng isang sachet ng suspetsadong shabu sa isang police undercover agent at nakakumpiska pa ng 82 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P557,000.00.

Nabawi din dito ang boodle money na ginamit sa transaksyon pati na ang iba pang non drug items. Haharapin ng nasabing tulak ang kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.