Arestado sa isinagawang drug buy-bust operations ng mga operatiba ng PDEA-BARMM ang dalawang High Value Targets sa kahabaan ng Governor Gutierrez Avenue, RH 9 sa lungsod ng Cotabato.
Kinilala ang mga high-valued targets na nasakote na sina Ebrahim Guinda Esmael alyas Tol at Dali Malogayak Abdulkarim alyas Dali na parehas residente sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao Norte.
Nakumpiska sa kanila ang isang pirasong open dark na blue foil plastic bag na may tatak ng isang kape at nahlalaman ng selyadong transparent na plastic bag na may tatak na “Power Very Good” na naglalaman ng shabu na may timbang na higit kumulang 1,000 na gramo at nagkakahalaga ng 6.8 milyong piso.
Kasama din sa nakumpiska ang 2 na telepono, mga ID at ang buybust money na ginamit sa operasyon.
Samantala, magkatuwang na pinapurihan nina Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at ni PDEA BARMM Director Gil Cesario Castro ang mabilis na aksyon ng mga otoridad na nagdulot ng pagkumpiska at pagkakasabat ng droga na maaring sumira sa buhay ng mga Cotabateño.
Sa panayam din kay CCPO City Director PCol. Joel Estaris, nagbabala ito sa mga illegal drug peddlers na wala itong puwang sa siyudad ng Cotabato.
Sumama naman sa operasyon si City Prosecutor Atty. Mariam April Mastura upang masigurado na naayon sa mga patakaran ang paghuli sa mga ito.
Nasa kustodiya naman ng PDEA BARMM ang dalawang durugista habang hinihintay nila ang inquest para sa kasong may kinakaman sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.