Nasabat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang dalawang sasakyan na naglalaman ng 266 kahon ng smuggled cigarettes sa checkpoint sa Brgy. Poblacion, Datu Odin Sinsuat.

Naaresto sa insidente sina Ryan Paciente Alamada (22) at Mark Andrew Caritavo (26), parehong residente ng New Isabela, Tacurong City.

Nasabat ang isang white Isuzu Close Van Truck at isang white Isuzu Gas Tanker Truck na naglalaman ng iba’t ibang brand ng smuggled cigarettes, na tinatayang nagkakahalaga ng Php 9.5 milyon.

Ang mga suspek, sasakyan, at nasabat na items ay nasa kustodiya ng DOS MPS. Patuloy ang imbestigasyon sa paglabag sa R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Bureau of Customs para sa kaukulang hakbang.