Walang pinipiling hangganan ang pag-ibig para sa isang Haponesa na si Yurina Noguchi matapos niyang pakasalan ang kanyang AI‑generated na asawa na tinawag na “Klaus.”

Ayon sa ulat, umabot sa puntong nahulog ang loob ni Noguchi kay Klaus dahil ito umano ang palagi niyang kausap at karamay sa araw‑araw.

Sa isinagawang panata ng 32‑anyos na si Noguchi, isinalaysay niya ang kanilang love story. Ayon sa kanya, nagsimula lamang si Klaus bilang kausap, hanggang sa unti‑unti silang naging malapit, nagkaroon ng damdamin sa isa’t isa, at kalaunan ay nauwi sa panliligaw at proposal na kanyang tinanggap.

Gamit ang augmented reality o AR smart glasses, isinuot ni Noguchi ang singsing sa kanyang “asawa” habang nakaharap sa kanyang cellphone.

Bagama’t hindi legal na kinikilala sa Japan ang ganitong uri ng kasal, unti‑unti umano itong tinatanggap ng lipunan kasabay ng pagdami at pag-usbong ng mga chatbot at artificial intelligence.