Nakapagtala na ng sampung kaso ng Mpox o Monkeypox sa lalawigan ng South Cotabato, batay sa ulat ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng probinsya.
Sa pahayag ni IPHO South Cotabato Chief Dr. Conrado Braña kahapon, kinumpirma niyang lahat ng mga nagpositibong pasyente ay kasalukuyang naka-isolate at mahigpit na binabantayan ng mga medical personnel.
Batay sa tala ng IPHO, ang mga kaso ay naitala sa iba’t ibang bayan ng lalawigan: tig-iisa sa Banga, Tantangan, at Lake Sebu; apat sa bayan ng T’boli; dalawa sa Surallah; at isa sa lungsod ng Koronadal, ang kabisera ng probinsya.
Dahil dito, muling nananawagan ang IPHO-South Cotabato sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.