Naka-recover ang Sultan Kudarat Police Provincial Office ng mga high-powered explosive materials sa Barangay Bai Saripinang, Sitio Macao, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Pebrero 20, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng Bagumbayan Municipal Police Station, katuwang ang Sultan Kudarat Provincial Explosives and Canine Unit at personnel ng 37th Infantry Battalion bilang bahagi ng pagpapatupad ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9516, na nagtatakda ng mahigpit na regulasyon sa paggamit at pagmamay-ari ng high-powered explosive materials.

Nasamsam sa operasyon ang labindalawang sako ng Ammonium Nitrate Fuel Oil, 54 na non-electric blasting caps, at isang rolyo ng commercial safety fuse.

Hindi natagpuan ang pangunahing suspek, na kilala sa alyas na “Nene,” at kasalukuyang hinihinalang nagtatago.

Lahat ng nasamsam na materyales ay na-inventory at na-turn over sa SKPECU para sa tamang disposisyon.

Kasalukuyang inihahanda ang kaso laban sa suspek para sa ilegal na pagmamay-ari ng high-powered explosive materials.