Sasampahan ng kasong may kinalaman sa Firearms and Ammunition Regulations Act ang kakaharapin ng dalawang suspected gunrunners matapos makumpiskahan ng mga high-powered firearms nang maharang ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo sa checkpoint sa bahagi ng Brgy. Sapakan, Rajah Buayan, Maguindanao Del Sur.
Sa ulat, kinilala ni PCapt. Joel Lebrilla, hepe ng Rajah Buayan MPS, ang mga suspek na sina Samer Maomen at Dennis Alon, pawang mga residente ng Kakal, Ampatuan, sa parehong lalawigan.
Dagdag pa ni PCapt. Lebrilla, katuwang ng kapulisan ang militar nang isagawa ang checkpoint nang matugunan ng mga ito ang iligal na transaksyon sa pagbebenta ng mga dalang armas ng mga suspek.
Ayon pa sa nakalap na impormasyon, ang mga suspek ay kasapi ng 118th Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) posible rin aniyang may kinalaman ang mga ito sa Gun for Hire, illegal smuggling of firearms, at mga serye ng pamamaril sa nasabing bayan.