Arestado ang 42-anyos na lalaki na kilala sa alyas “Steve” matapos masakote sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok Matilak, Lugay-lugay, Barangay Bagua 1, Cotabato City, kagabi, March 17.

Kinilala ang suspek bilang isang High-Value Individual (HVI), walang trabaho, at nakatira sa Barangay Bagua 1 sa lungsod.

Ayon sa ulat, bandang 9:40 ng gabi nang isagawa ang operasyon ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), katuwang ang Police Station 4 at CMFC, sa ilalim ng direktang pamamahala ni PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director.

Nagresulta ang operasyon sa agarang pagkakaaresto ni “Steve” matapos siyang mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa poseur-buyer.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek at haharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging mapagbantay at makipagtulungan sa kapulisan para sa mas ligtas na komunidad.