NAKUMPISKA ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency – BARMM katuwang ang iba pang ahensya, ang 200 grams ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,360,000.00 sa isang high-value target sa ikinasang drug buy operation sa bahagi ng Jose Lim, Brgy. Poblacion 5, Cotabato City nitong Miyerkules. July 17. 2024

Kinilala ang drug suspek na si Najer Cosain Arumpac alias “Supremo”, 26 yrs. old, residente ng Brgy. Calaan, Buldon, Maguindanao Del Norte, at Brgy. Emie Punod, Marawi City, Lanao Del Sur na sinasabing nag-ooperate sa mga nasabing lugar.

Sa ngayon, nakapiit ang suspek sa tanggapan ng PDEA-BARMM habang hinihintay na masampahan ng kasong may kinalaman sa RA 9165 o ang Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.