Higit 40 na mga matitigas na bungong law-breakers sa iba’t ibang bayan ng rehiyon ang nadakip ng PRO-BAR ayon sa kanilang weekly accomplishment report.

Sa nasabing bilang, 13 ang nadakip sa iligal na droga na may kabuuang 24,000 na halaga ng shabu na nakumpiska. Isang (1) carnapper at pitong (7) wanted personalities ang nadakip kung saan dalawa sa mga ito ay mga most wanted persons.

Sa kampanya naman ng pulisya ukol sa boga o di dokumentadong mga baril, 4 naman ang nahuli rito.

20 naman na katao ang nadakip sa iba’t ibang kaso at paglabag sa mga ordinansa munisipal.

Mas lalo pa umanong paiigtingin ng PROBAR ang kanilang kampanya kontra kriminalidad lalo’t nagsimula na rin ang pagpapatupad ng Election Gun Ban.

Kaya naman, babala ni PRO BAR Regional Director PBGen. Romeo Macapaz sa mga may balak na manggulo sa rehiyon ay tiyak na mananagot ito sa batas.