Isang disi-otso anyos na magpupuslit sana ng iligal na yosi ang nahuli ng mga autoridad matapos itong malambat kasama ng kanyang mga ipupuslit sa Barangay Nituan, Parang Maguindanao del Norte, 7:30 ng umaga nitong huwebes, Disyembre 19.
Naghinala na ang mga autorudad matapos na hindi makapagpakita ng dokumento para sa mga kargamento nito ang naturang suspek kung kaya nila ito hinuli.
Nalambat naman sa suspek ang 40 boxes ng sigarilyo na naglalaman ng 50 reams kada box na mayroong halaga sa merkado na 28,000 na may sumatotal na 1.12 milyong piso.
Sa kasalukuyan, nasa Parang MPS na ngayon ang suspek at kakasuhan ng paglabag sa RA 9211 at RA 4712 habang ang mga nakuhang kontrabando ay isusumite sa kinauukulang ahensya para sa tamang disposisyon.