Arestado ang (2) dalawang katao matapos makuhanan ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Poblacion Margosatubig, Zamboanga del Sur.

Ang di na pinangalanang suspek ay isang 24 anyos na lalaking fish vendor at 22 anyos na isang magsasaka at pawang mga high value individual.

Base sa report ng Police Regional Office 9, nakuhanan ang mga ito ng tinatayang 80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544,000.00.

Sa ngayon ay dinala na sa tanggapang ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office ang mga naaresto habang naiturn over naman sa Zamboanga del Sur Provincial Forensic Unit ang mga nakuhang iligal na droga para sa karagdagang eksaminasyon.