Isang aksidente ang naganap bandang alas-5:11 ng umaga sa Purok Malipayon, Barangay Malaya, Banga, South Cotabato.
Ayon sa ulat, isang D4D Hilux ang nasangkot sa insidente na tinukoy bilang self-induced accident matapos umanong mag-overshoot ang sasakyan.
Dalawang pasahero ang sakay ng naturang Hilux at kapwa agad na isinugod sa Dantom Hospital para sa agarang medikal na atensyon.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente at kung may iba pang salik na nakapagdulot nito.