Binigyang-linaw ng DOSt-PAGASA Cotabato na ang sama ng panahon na nararanasan ngayon sa Cotabato City at mga karatig-lugar ay hindi dulot ng Low Pressure Area (LPA) kundi resulta ng enhanced southwest monsoon o habagat.
Sa eksklusibong panayam ng 93.7 Star FM Cotabato kay Gleziel May D. Pedrico, Chief ng Meteorological Office ng DOST-PAGASA Cotabato, sinabi nitong hindi direktang naaapektuhan ng LPA ang Cotabato dahil ito ay nasa layong 150 kilometro silangan ng Eastern Samar at kumikilos pa-hilagang kanluran.
Posibleng maapektuhan nito ang Northern Mindanao, ngunit hindi ang Cotabato City.
Dagdag pa ni Pedrico, ang umiiral na enhanced southwest monsoon ang siyang pangunahing nagdadala ng malakas na ulan sa Cotabato City at ilang bahagi ng BARMM.