Age doesn’t matter, and age is just a number.


Ito mismo ang pinatunayan ng 73-anyos na si Bapa Usman Muloc mula sa isla ng Tawi-Tawi, matapos nitong makasungkit ng anim na medalya sa iba’t ibang larangan ng palakasan!

Lumahok si Bapa Usman—na kilala rin sa palayaw na “Bapa Usman”—sa Philippine Masters Athletics Championships 2025 na ginanap noong Hunyo 7 at 8 sa Philsports Complex, dating ULTRA, sa lungsod ng Pasig.

Hindi basta-bastang performance ang ipinamalas ng ating “Agilang Tawi-Tawi” — dalawang gintong medalya para sa 100-meter at 200-meter dash, tatlong pilak mula sa long jump, discus throw, at shotput, at isang bronze medal naman para sa javelin throw ang kanyang naiuwi — lahat para sa karangalan ng BARMM region!

Dahil dito, agad na nagpaabot ng kanilang pagbati ang BARMM Government at ang Tawi-Tawi Provincial Government kay Bapa Usman, bilang pagkilala sa karangalang inihatid niya hindi lang sa lalawigan, kundi sa buong rehiyon.humakot ng medalya mula sa Maynila