Madugong engkwentro na nauwi sa kamatayan ng suspek ang naging labas sa dapat sana ay mapayapang paghahain lamang ng arrest warrant kasabay ng drug buy-bust operation dito sa bahagi ng Barangay Sapakan sa buwan ng Rajah Buayan sa Maguindanao Sur pasado alas-4 ng hapon kahapon.

Sa tala ng Rajah Buayan PNP, kinilala ang suspek na si Moner Usman na taga bayan ng Sultan sa Barongis at pinagsuspetsahang kasapi ng teroristang grupo na Dawlah Islamiyah – Hassan Group.

Base sa buod ng ulat, mag sasagawa sana ang tropa ni Rajah Buayan PNP Chief Capt. Joel Lebrilla katuwang ang PNP SAF at iba pang yunit ng isang buy-bust operation at ng maisilbi sa suspek ang arrest warrant nito ng magkaroon ng palitan ng putok.

Natunugan ni Usman na pulis ang mga katransaksyon nito sanhi para ito ay manlaban.

Dahil sa palitan ng putok, tama ng bala ang agad na ikinasawi ng suspek habang isang pulis naman ang napaulat na sugatan na kinilalang si SAF Trooper PCPL Jeric Dela Cruz na ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Narekober kay Usman ang baril, bala nito at ang droga na subject of sale sana ng buy-bust operation.

Magugunita na si Usman ay mayroong anim na standing warrant of arrest sa korte dahil sa dalawang bilang ng murder, isang bilang ng kasong carnapping maging ang tatlong bilang ng frustrated murder.