Negatibo sa isinagawang eksaminasyon ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM sa Maynila ang hinihinalang kaso ng Monkeypox o MPOX na nakaadmit sa Amai Pakpak Medical Center sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Ito ang naging kumpirmasyon base sa statement ng Integrated Provincial Health Office ng nasabing lalawigan.

Nagpapasalamat naman ang IPHO Lanao Sur sa Department of Health at sa RITM sa kanilang walang tigil na pagtutok sa nasabing suspected case.

Nagpasalamat din ito sa mga health care workers at frontliners ng mga ospital na nagbantay din sa nasabing kaso maging ang mga pasyente na sumusunod sa mga protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang mga sakit.

Nagpaalala naman si PHO Dr. Alinader Minalang sa publiko na kahit na negatibo ang naturang kaso sa MPOX, maging maingat pa rin at malinis upang di mahawaan at sundin ang mga protocols upang makahawa ng mga ibat-ibang sakit.