Nanawagan ang tanggapan ng Kalusugang Panlungsod ng Cotabato City sa lahat ng mga Cotabateño na magsadya sa kanilang tanggapan upang magpasailalim sa HIV testing.

Libre, ligtas at accurate ang naturang testing ayon sa kagawaran. Pinapayuhan nila ang lahat na maari magtungo ang mga ito sa Social Hygiene Clinic -CCHO sa Sta. Maria MBRH nitong lungsod upang makapagpasuri.

Kung nahihiya na tumungo ng personal, maari muna aniya na makipagugnayan sa HIV/AIDS Program Hotline na 09658410140 o mag-email sa shccotcity@gmail.com.

Confidential at pinahahalagahan ng City Health Office ang bawat detalye ng magpapasailalim sa naturang eksaminasyon.

Ayon sa ministro ng kalusugan na si Minister Dr. Jojo Sinolinding, maari na magpatingin ang kahit na sino laban sa HIV at magpa-eksamin upang maabatan kung sakali na makitaan ng sintomas ang isang nagtataglay nito.