Mainit na sinalubong ng kanilang mga kababayan sa lungsod ng Koronadal si Hiyas ng Pilipinas 2024 at Miss Tourism World Marela Glospeah Caro Juaman at Top 10 Finalist Clara Nodesca Michelena na dala naman ang probinsya ng South Cotabato.

Personal na sinalubong ng tambalan ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena at Vice Mayor Bing Pabi-Araquil ang dalawa at sa kanilang pagdating ay kinilala ng Sangguniang Panglungsod ang karangalan na binitbit nito paguwi.

Maliban sa korona, nasilat din ni Juaman ang Best in Advocacy Video at Best Journey to the Crown Challenge.

Nagsagawa naman ng motorcade ang LGU mula sa bago nitong City Hall patungo ng kapitolyo ng probinsya Nauna nang kinoronahan si Juaman bilang Lakambini ng Koronadal at Mutya ng South Cotabato, taong 2018.