Matagumpay at generally peaceful na naisakatuparan ang obserbasyon ng Holy Week 2026 sa lungsod, ayon kay PLT. Rochelle D. Evangelista, tagapagsalita ng Cotabato City Police Office (CCPO).

Ayon kay PLT. Evangelista, sa buong linggong paggunita, nagpatupad ang CCPO ng mahigpit na seguridad katuwang ang Police Regional Office BAR upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, residente, at mga bisita.

Bagaman may ilang maliliit na insidente na naitala, agad naman itong naresolba ng mga awtoridad, na nagpatunay sa kahandaan at mabilis na aksyon ng kapulisan sa lungsod.

Pinuri naman ng CCPO ang kooperasyon ng publiko at iginiit na ang ganitong uri ng pakikipagtulungan ang susi upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa mga susunod pang paggunita ng Holy Week sa Cotabato City.