Ibinulgar mismo ni Cotabato City Vice Mayor Johari Butch Abu sa kanyang pulong balitaan sa lungsod kahapon na may isinampang kaso laban sa hepe ng Human Resource Management Department ng Cotabato City LGU na si Bb. Lorna Quibuyen.

Ang naturang kaso diumano ay isinampa ng mga taxpayers ng lungsod na hindi na pinangalanan ni Abu para sa seguridad nito.

Dahil dito, hinimok din ni Abu ang mga apektadong COS employees na makipagtulungan sa kanilang opisina sa Sangguniang Panglungsod upang mapanagot ang mga responsableng indibidual sa mass termination at ang pagsabog ng balita na pagpapapirma ng voluntary waiver sa mga ito.

Matatandaan na ika-15 ng Oktubre ng inanunsyo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang termination en masse o lahatang pagtatanggal ng mga COS employees dahil sa depleted funds nito.

Nanawagan na din si Abu ng pagkakaisa upang matuldukan na ang usapin sa sahod ng mga COS na hindi pa rin naliliwanagan.