Siniguro ng Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippine Army ang pagiging non partisan o walang kinikilingan sa darating na halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Ayon sa statement ng tagapagsalita ng PA na si Col. Louie Dema-Ala, pinaalalahanan nito ang kanilang mga tauhan na maging non partisan alinsunod sa kanilang paggampan sa kanilang mandato sa konstitusyon.

Sinisiuguro din ng PA ang mga pilipino sa kanilang commitment na maprotektahan ang mga sagradong boto ng bansa at kanila namang imementena ang pinakamataas na uri ng propesyonalismo, disiplina at integridad para sa maayos, katanggap tanggap at malayang halalan sa susunod na taon.