Matagumpay na inaresto ng Parang Municipal Police Station (MPS) ang isang suspek sa droga Huwebes ng gabi, Disyembre 28, 2025, bandang 9:00 ng gabi.
Ayon sa ulat, nakilala ang suspek sa alyas na “Eb” na nahuli habang may hawak na maliit na plastic sachet na umano’y naglalaman ng shabu sa isang lugar sa Parang. Agad siyang inaresto nang makita siyang gumagawa ng ilegal na gawain, sa ilalim ng tinatawag na in flagrante delicto.
Sa isinagawang search incidental sa arrest, narekober sa suspek ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na tinatayang 0.37 gramo at may halagang ₱2,516, isang piraso ng aluminum foil, isang improvised glass tooter na may bitak sa dulo, at isang lighter.
Agad ipinaalam sa suspek ang dahilan ng pag-aresto at ang kanyang karapatang konstitusyonal. Ang mga nakumpiskang kagamitan ay minarkahan, ini-inventory, at kinunan ng larawan sa harap ng mga required witnesses bilang ebidensya para sa laboratory examination at case filing. Dinala ang suspek sa Parang MPS para sa proper documentation, booking, at karagdagang imbestigasyon. Ihahanda na ang kaukulang kaso sa ilalim ng Section 11 at 12, Article II ng RA 9165 sa tanggapan ng Provincial Prosecutor.
Nanawagan ang Parang MPS sa komunidad na patuloy na suportahan ang laban kontra droga at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang gawain sa kanilang lugar.

















