Isang indibidwal ang naaresto nitong Enero 23, 2026, bandang alas-tres ng hapon sa bayan ng Tupi dahil sa paglabag sa Seksyon 5(A) ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng 1205th Maneuver Company RMFB 12 sa pangunguna ni PCPT Joebert S. Barrios, Officer In Charge, katuwang ang Tupi Municipal Police Station, Tracker Team Charlie, RID12, RSOG, CIDG SOCOT PFU, SCPIU, at 1st SCPMFC.

Ang arestado ay may kasong Criminal Case Number 8911-26 na may recommended bail na tatlong libong piso (Php 3,000.00) na inilabas ni Hon. Judge Genevieve B. Tutica-Valles ng Family Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 13, Polomolok, South Cotabato noong Enero 13, 2026.

Ayon sa mga awtoridad, bahagi ang operasyon na ito ng patuloy na implementasyon ng “Oplan Ranchero” sa buong lalawigan ng South Cotabato upang sugpuin ang mga wanted persons at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Ang nasabing indibidwal ay dinala sa kaukulang himpilan ng pulisya para sa kaukulang proseso at pananatili habang naghihintay ng paglilitis.