Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 sa Barangay Kusan, Banga, South Cotabato bandang alas-4:20 ng hapon, Setyembre 17, 2025.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Jason,” 36-anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Libertad, Surallah.
Nasamsam mula sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng halos 55 gramo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱374,000. Nakuha rin ang isang improvised glass tooter na may bakas ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.
Pinangunahan ng PDEA South Cotabato Provincial Office ang operasyon katuwang ang PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET) at Banga Municipal Police Station.
Ayon kay PDEA Regional Director Benjamin C. Recites III, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















