Sa kabila ng matinding pagpipighati sa kanilang kaanak na namatay, hustisya pa rin aniya ang sigaw ng pamilya ng isang lending finance officer na pinatay noong Nobyembre 29 sa Barangay Manarapan sa SGA BARMM.

Ayon sa ina ng napatay na si Billy Lamasan Cordero na si ginang Juvy Cordero, hindi aniya sila hihinto na maghanap ng hustisya para sa kanyang anak na walang awang pinagbabaril patay.

Aniya, naging brutal ang pagpatay sa anak nito dahil tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng nasabing finance officer.

Sa ngayon, nananawagan ang pamilya sa lokal na pamahalaan at sa BARMM Government upang makamit nila ang hustisya na kanilang hinahangad.

Samantala, nangangalap pa rin aniya ang pulisya ng mga maaring magugnay sa suspek sa naging pagpatay kay Cordero.

Maari aniyang ginawa ng suspek na nakawan ito kung kayat pinaslang ito. Nananatili naman ang pulisya sa pangangalap ng mga leads para matunton agad ang di pa nakikilalang suspek.