Dalawang high-value individual (HVI) ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PRO BAR at iba pang law enforcement units sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-3:30 ng hapon, Setyembre 5, 2025, sa barangay Ampao

Kinilala ang mga suspek na isang barangay kagawad at isang CAFGU member na pawang residente ng Barangay Sugod. Nagkaroon umano ng engkwentro matapos makipagpalitan ng putok ang mga ito sa mga operatiba, dahilan upang kapwa sila magtamo ng tama ng bala. Agad silang binigyan ng paunang lunas at dinala sa Amai Pakpak Medical Center

Narekober sa operasyon ang tinatayang 406.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2.7 milyon, marked money, isang Norinco pistol na may mga bala, mga ID, basyo ng bala, at isang tricycle

Dinala sa Bacolod-Kalawi Municipal Police Station ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon

Tiniyak naman ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang pagpapatuloy ng mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga sa buong Bangsamoro region.