Upang mas ipakita ang pagsuporta ng mga residente ng Datu Odin Sinuat, Maguindanao del Norte sa usaping pangkapayapaan sa lugar, isinuko ng mga ito ang aabot sa labing-siyam (19) na iba’t ibang uri ng armas sa otoridad.

Sa pangunguna ni 1st Marine Brigade Commander BGEN Romulo Quemado II, 6th Infantry “Kampilan” Division, 6th Civil Military Operation, at lokal na pamahalaan ng DOS, Maguindanao del Norte sa pangunguna ng alkalde na si Hon. Datu lester Sinsuat naging matagumpay ang nasabing turn-over ng mga armas.

Umaasa si Mayor Sinsuat na Magtuluy-tuloy na ang kapayaan sa coastal areas at matuldukan na ang karahasan.

Sa pamamagitan aniya ng pagsuko ng mga armas nagpapakita ito ng pagrespeto sa bawat isa at pagtalima sa regulasyon hinggil sa mga armas na hindi dokumentado.