Matataas na uri ng mga armas ang isinuko sa PNP sa mga magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Maguindanao Norte.
Una na ritong naisuko sa PNP ng kapitan ng Barangay Maitong sa bayan ng Kabuntalan ang isang lalaki na may bitbit na kalibre 45 na pistola.
Mismong ang hepe ng pulisya ng bayan na si Capt. Erwin Maylos ang tumanggap ng naturang armas na bitbit ng suspek.
Nabatid na naglalakad lang at naghahamon ng gulo ang suspek kaya agad itong sinita kara karaka ng isa sa opisyal ng barangay.
Kulong ngayon ang suspek sa detention cell ng ng Kabuntalan MPS at sasampahan ng kasong may kinalaman sa RA 10591.
Samantala, sa bayan ng Talitay sa kaparehas na lalawigan, isang 38 revolver naman ang isinuko sa pulisya ng isang kagawad ng barangay na si Kagawad Lingkong Buisan ng Poblacion.
Ang pagsuko ay bilang pagtalima at pagsunod sa kautusan ng pulisya sa probinsya na palakasin ang kampanya kontra iligal na armas o loose firearms.
Ang nasabing armas ay isinuko lang din ng isang indibidual sa kagawad.
Panghuli, sa Northern Kabuntalan naman, isang homemade M203 tube grenade launcher ang boluntaryong isinuko sa kapitana ng Barangay Libungan na si Chairwoman Norhaya Bayam at itinurn over naman ito ng kapitana sa Northern Kabuntalan Police sa pangunguna ni Lt. Rex Laurino para sa kaukulang disposisyon.