Matapos na maitalaga bilang bagong Interim Chief Minister ng rehiyon, labis labis ang pagpapasalamat ni ICM Abdulraof Macacua sa mga tumulong at sumuporta rito.
Sa opisyal na pahayag nito, nagpaabot siya ng abot langit na pasasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos sa patuloy na suporta at hayagang pagtitiwala sa kanyang pamumuno sa rehiyon.
Nagpaabot din si ICM Sammy Gambar ng pasasalamat at pagpupugay sa kaunaunahang Chief Minister ng rehiyon at ama ng MILF Ahod Ebrahim sa ginawa nitong sakripisyo at dedikasyon sa rehiyon na ayon kay Macacua, ang mga nagawa ng kanyang pinalitan sa larangan ng pagogobyerno, social justice at pagkakapantay pantay ay pagbubutihan at ipagpapatuloy nito.
Nagpasalamat naman sa mga opisyal ng pamahalaan ang punong ministro sa walang sawa nitong tulong sa rehiyon.
Kabilang din sa napasalamatan ni Macacua ang MILF-BIAF, mga sektor, mga organisasyon sa loob at labas ng bansa at maging ang mamamayan ng Bangsamoro sa walang kasawaan nitong pagtitiwala sa pangarap ng kapayapaan at pagunlad ng rehiyong BARMM.
Sa huli, nanawagan ng tulong si Macacua sa publiko upang maipagpatuloy ang pagunlad, kapayapaan at mas makinang na kinabukasan ng rehiyong Bangsamoro.