Ilang Contract of Service o COS na mga empleyado ng City LGU na di nagtatrabaho ng maayos ang hindi na makakapagrenew ng kontrata. Ito ang naging pag-amin ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao kasunod ng pagbubunyag na may iilang COS employees sa lungsod ang hindi nagtatrabaho ng maayos alinsunod sa kanilang pinirmahang kontrata.
Dagdag pa nito, nasa walumpung (80) porsyento mula sa 2,000 na COS ang inaasahang marerenew o makakapagpatuloy muli ng trabaho dahil sa ipinakitang kasipagan at pagtatrabaho ng mga ito ng maayos.
Sa kabilang dako, humingi ng pang-unawa sa mga COS si Mayor Matabalao na naantala ang sahod ngunit tiniyak nito na di binawasan ang kanilang sweldo.
Sa ngayon, patuloy pa ang masusing ebalwasyon at pagpili ng mga contractual employees na irerenew ang kontrata. Sa kabilang dako, sinabi ni Mayor Matabalao na sa parte naman ng Sangguniang Panlungsod ay naubos na ang pondo na para sa sahod ng mga COS sa ilalim ng opisina ni VM Butch Abu.
Dahil dito ipinagutos kara-karaka ni Mayor Matabalao sa Local Finance Committee nitong Hulyo na ang anumang unappropriated o di nagamit na pondo ng lungsod ay ilaan sa sahod ng mga COS sa opisina ng bise mayor at ng mga konsehales. Kinakailangan lamang na sumulat o makisuyo ang SP para agad ba ma-augment ang kanilang pondo.