Nagpanic, nagkagulo at nahimatay ang ilang estudyante ng dalawang paaralan na nasa paligid ng compound kung saan nasunog ang gusali maging ang mga establisyimento sa commercial area ng USM Avenue sa Poblacion, Kabacan Cotabato.
Kabilang sa mga paaralan na muntikanan nang madamay ay ang Enhanced Childhood Learning Center Inc. at ang Saint Lukes Institute na may pitong daan (700) humigit na mga estudyante.
Ayon sa ilang mga guro’t mga mag-aaral, nasunod naman ang response protocols ng mga estudyante sa kabila ng panic lalo’t kakatapos lamang nila maglunsad ng calamity drill.
Ipinagpasalamat naman ng mga ito ang firewall na prumotekta sa gusali dahil kung wala ito ay posibleng naabo na din ang mga gusali ng paaralan.
Sa St. Lukes, nasunog naman ang bahagi ng kisame dahil sa lakas ng apoy pero naapula naman ito gamit ang fire extinguisher ng paaralan ngunit sumiklab ulit ito at naapula naman ng mga pamatay sunog.
Ayon sa direktor ng paaralan na si Ms. Mary Magsino, kanselado ang pasok kahapon sa paaralan at pinagaaralan nilang gawin na isang linggo ang kanselasyon para maisaayos ang mga parteng nasira ng pagkakasunog.
Nakatakda din silang magsagawa ng stress debriefing sa mga guro at estudyante lalo na at traumatic ang kinahinatnan ng naturang sunog.