Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang silangang Mindanao nitong Miyerkules, 11:02 AM, 55 km hilaga-silangan ng Manay, Davao Oriental, na may lalim na 23 km, ayon sa PHIVOLCS.
Intensity V ang naitala sa Manay, Davao Oriental; Hinatuan, Surigao del Sur; at Talacogon, Agusan del Sur. Intensity IV naman sa Bislig, Cagwait, Tarragona, at Cateel, habang Intensity III–II naramdaman sa iba pang bayan at lungsod, kabilang ang Davao City, General Santos, Butuan, at Leyte.
Wala pang iniulat na pinsala o nasawi, ngunit patuloy ang monitoring ng PHIVOLCS at lokal na awtoridad. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sundin ang earthquake safety protocols.

















