Galit at dismayado ang ilang mamamayan ng siyudad ng Cotabato dahil sa walang aksyon ang administrasyong Marcos sa usapin ng pagtataas ng presyo ng mga pangunahin at basikong pangangailangan at bilihin.
Isa sa mga nayamot ay si alyas Tricia, taga MB Bagua.
Dismayado ito dahil sa naghintay ito sa sasabihin ng pangulo hinggil sa mga solusyon nito sa pagtaas ng bilihin at ang dalawang taon nang ipinangako nito na 20 per kilo na bigas.
Ayon kay Tricia, hindi ito ang kanyang narinig bagkus sumentro sa ayuda ang sinabi ng pangulo sa SONA nito.
Para naman sa isang CSO worker at manggagawa sa pribadong sektor, kakarampot at di pa rin sumasapat ang pasahod at tila bingi at manhid ang administrasyon sa sitwasyon ng mga uring manggagawa.
Sa kabilang banda, sinabi naman ng isang guro na sang ayon ito sa pagpapatatag at pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon na inilatag ni PBBM at dagdag pageensayo sa mga guro ngunit nananatili aniyang mababa ang pasahod sa mga ito.
Dahil dito, iminumungkahi ng guro na para maging ganap ang no credit tagging sa mga guro na ipinangako ng pangulo, pagtataas ng sahod at mga benepisyo ang nakikita nitong solusyon.
Sa panig naman ng mga tagapagbalita at mamamahayag na nakabase sa siyudad, ang pagkakaroon ng pagpaslang at pagpatay sa mga mamamahayag at kung paano ito masasawata ang dapat solusyunan ng pangulo at ng mga ahensya nito katupad ng PTFOMS at mga security agencies ng pamahalaan.
Hindi umano katanggap tanggap na iuutos lang ng pangulo sabay mababalewala lamang ang mga karumal dumal na pagpatay sa mga mamamahayag.